Skip to main content

Posts

Abra - Gayuma (Official Music Video) ft. Thyro & Jeriko Aguilar

The National Teachers College 84th Founding Anniversary

Bakunawa by Kristian Sendon Cordero

Ngayong gabi ay makakatakas si Bakunawa mula sa kanyang kulungan sa lawa. Hindi na nakakatakot ang kanyang mukha at wala na ang tiyan na dambuhala. Ipapakita niya ang kanyang pagbabago na hindi na siya tadtad ng kulugo. Pangungunahan niya ang pag-inom ng lambanog, magpapalaro sa mga kalalakihan sa ilog. Makikiisa sa mga dalagang sumasayaw mananalangin kasabay ang mga madre at prayle. Ipapaguhit niya ang kanyang yapak sa lahat ng  kalye at ang lahat ng bata kanyang magiging mga apo. Magpapagawa siya ng mga gripo sa malalayong baryo at magiging kaibigan niya ang mga duktor pati albularyo. Hanggang sa ang kanyang pangalan ay sumikat sa buong rehiyon na kanyang nasasakupan Ngunit hindi alam ng bayang nakalimot na si Bakunawa ay wala pa ring sawa sa paghasik ng lagim: Walang nang yaman ang karagatan, kagubatan kinalbo walang pumapansin sa kultura, gobyerno kinakalburo. At marahang magiging bundat uli si Bakunawa babagsak ang mga pinatayo niyang tulay. A...

ISDA by Kristian Sendon Cordero

Tinunaw ng tatay ang dinamita sa tubig-dagat at pinamumog sa mga isda. Saka itininda namin sa bangketa— pinausokan ng tambutso at upang agad na maubos kinulayan ng pulang dyubos ang hasang ng galunggong at bangus. Binabad sa isang dakot na asin ang ‘di makilalang ayungin at pinamanhid ng yelo ang kaliskis ng pira-pirasong dilis. Maghapong naghintay na may bumili sa mga isdang nahuli, ngunit wala ni isa man ang nagkamali sa mga paninda namin ni Inay. Umuwi siyang galit sa buhay at sa buong bahay. Lulutuin niya na lang ang ulam naming bangkulis nakausli ang mata, tuklap ang kulay pilak na kutis na kanina’y nakita kong dinumog ng mga bangaw at ngayo’y nasa bandihadong puno ng sabaw.

Gahasa by Joi Barios

Ihanda ang mga ebidensya Eksibit blg.1: Patalim, baril o kahit na anong sandata patunay ng pagbabanta. Eksibit blg.2: Panty na may mantsa patunay ng kabirhenan ng dalaga Eksibit blg.3: Sertipikasyon ng doktor, Patunay na--sapilitan, lubusan ang pagpasok ng ari. Eksibit blg.4: Sertipikasyon ng pagkatao patunay ng hindi pagiging puta. Ipasok sa hukuman ang nasasakdal. Iharap sa hukuman ang nagsasakdal. Simulan ang panggagahasa!

Tongue Tornado

I love its different shapes and thickness, that makes me want to bear witness; its aroma that makes my mouth waters and puts me in a state of coma; love the texture on my tongue that keeps me sprung, love the softness and the feel- its magic... it's ecstasy can satisfy my sweet-- tooth to the root!

Kung ang tula ay puwedeng pambili ng lalaki by John Iremil Teodoro

Kung ang tula ay puwedeng pambili ng 'sang pogi at seksing lalaki ako ay susulat ng marami Araw-araw ako'y may bibilihin, pipiliin ko ang masunurin, 'yung nauutusan sa isang tingin. Syempre ngipin n'yay dapat kumpleto, bibilangin ko talaga ito tulad ng sukat nitong soneto. Upang kung ako'y kanyang ngitian ako ay magsusulat na naman ng mga tulang naggagandahan. At muli, ako ay may pambili ng mga panibagong lalaki.

Payphone - Maroon 5 (Jun Sung Ahn Violin Cover)

The Scientist Violin Cover [HD] - Coldplay - D. Jang

It's More Fun in the Philippines TVC (Official)

Why English is so hard?

We'll begin with a box, and the plural is boxes. but the plural of ox should be oxen, not oxes. Then one fowl is goose, but two are called geese. yet the plural of moose, should never be meese. You may find a lone mouse, or a whole lot of mice. but the plural of house is houses , not hice. If the plural of man is always called men, why shouldn't the plural of pan be called pen? The cow in a plural may be cows or kine, but the plural of vow is vows, not vine.  And I speak of foot, and you show me your feet, but I give you a boot... would a pair be called beet? If one is a tooth and the whole set are teeth, why shouldn't the plural of booth be called beeth? If the singular is this and the plural is these, should the plural of kiss be nicknamed kese? Then one may be that, and three may be those, yet the plural of hat would never be hose. We speak of a brother, and also of brethren, but through we say mother, we never say...