Skip to main content

Bakunawa by Kristian Sendon Cordero


Ngayong gabi ay makakatakas si Bakunawa
mula sa kanyang kulungan sa lawa.

Hindi na nakakatakot ang kanyang mukha
at wala na ang tiyan na dambuhala.

Ipapakita niya ang kanyang pagbabago
na hindi na siya tadtad ng kulugo.

Pangungunahan niya ang pag-inom ng lambanog,
magpapalaro sa mga kalalakihan sa ilog.

Makikiisa sa mga dalagang sumasayaw
mananalangin kasabay ang mga madre at prayle.

Ipapaguhit niya ang kanyang yapak sa lahat ng  kalye
at ang lahat ng bata kanyang magiging mga apo.

Magpapagawa siya ng mga gripo sa malalayong baryo
at magiging kaibigan niya ang mga duktor pati albularyo.

Hanggang sa ang kanyang pangalan ay sumikat
sa buong rehiyon na kanyang nasasakupan

Ngunit hindi alam ng bayang nakalimot
na si Bakunawa ay wala pa ring sawa sa paghasik ng lagim:

Walang nang yaman ang karagatan, kagubatan kinalbo
walang pumapansin sa kultura, gobyerno kinakalburo.

At marahang magiging bundat uli si Bakunawa
babagsak ang mga pinatayo niyang tulay.

At pagsapit ng dilim, makikita ng buong bayan
na tuluyan nang naglaho ang buwan sa kalangitan.

Comments

Popular posts from this blog

Graduation Symbols: The Toga, The Hood, The Cap and The Diploma

A graduation ceremony is a very important event that any dedicated student looks forward to. It is the culmination of the minimum twelve years spent in studying and training to prepare oneself for the challenges of the world beyond the walls of an educational institution. It is one of the rites of passage that students are eager to cross, officially leaving their status as minors and setting out into the real world as adults. The traditional graduation attire is composed of a toga or gown, a hood and a cap. The diploma, which best completes and makes official the graduate status of a student, is awarded to each graduate later in the ceremony. Each of these articles symbolizes an important meaning surrounding the educational success of a graduate. The Toga Each educational institution usually has its own design and variation of the graduation toga, although all of them are basically similar. High school and college togas are long and reach just below the knee; high school togas are oft...

Build a Simple Electric Guitar in 10 minutes (Diddley Bow)

Nikon D3000 review