Gahasa by Joi Barios



Ihanda ang mga ebidensya

Eksibit blg.1: Patalim, baril
o kahit na anong sandata
patunay ng pagbabanta.

Eksibit blg.2: Panty na may mantsa
patunay ng kabirhenan ng dalaga

Eksibit blg.3: Sertipikasyon ng doktor,
Patunay na--sapilitan, lubusan ang pagpasok ng ari.

Eksibit blg.4: Sertipikasyon ng pagkatao
patunay ng hindi pagiging puta.

Ipasok sa hukuman ang nasasakdal.
Iharap sa hukuman ang nagsasakdal.
Simulan ang panggagahasa!

Post a Comment

0 Comments