Kung ang tula ay puwedeng pambili ng lalaki by John Iremil Teodoro

Kung ang tula ay puwedeng pambili
ng 'sang pogi at seksing lalaki
ako ay susulat ng marami

Araw-araw ako'y may bibilihin,
pipiliin ko ang masunurin,
'yung nauutusan sa isang tingin.

Syempre ngipin n'yay dapat kumpleto,
bibilangin ko talaga ito
tulad ng sukat nitong soneto.

Upang kung ako'y kanyang ngitian
ako ay magsusulat na naman
ng mga tulang naggagandahan.

At muli, ako ay may pambili
ng mga panibagong lalaki.

Post a Comment

0 Comments