SPEECH of His Excellency BENIGNO S. AQUINO III President of the Philippines In celebration of National Heroes Day [August 29, 2010, Libingan ng mga Bayani] [Please check against delivery] Magandang umaga. Hayaan po ninyong aking pangunahan, kasama ng aking pamilya, ang pagdiriwang natin ng Pambansang Araw ng mga Bayani. Taun-taon, ginugunita po natin ang kadakilaan ng lahat ng Pilipinong nag-alay ng pawis, dugo at buhay upang mapasaatin ang kalayaan na tinataglay natin ngayon. Wala na nga po talagang mas hihigit pang antas ng kagitingan kaysa sa pagbubuwis ng buhay para sa bayan. Hindi matatawaran ang tapang nila Rizal, Bonifacio at ng Gomburza nang kinalaban nila ang mga kastila. Mahirap tapatan ang lakas ng loob ng mga ninuno nating pumalag sa pang-aabuso ng hapon. Sa kabila ng banta sa kanyang buhay, walang takot pong bumalik sa bansa ang aking amang si Ninoy, upang lalong patibayin ang kanyang pagtuligsa sa diktadurya. Ang araw na ito ay hindi lang po para sa mga nag-alay ng kani...
A Slice of Everything You Need