Deskripsiyon ng Kurso:
Nakatuon ang kurso sa pag-aaral at pagsasanay sa malikhaing pagsulat ng tula at maikling kuwento gamit ang wikang Filipino at/o iba pang wika sa Pilipinas. Nakapaloob sa kurso ang mahahalagang yugto sa pagkatha—mula sa paglinang sa mga bukal ng idea’t inspirasyon at pagsusulat ng unang borador hanggang sa pagsasagawa ng palihan at rebisyon.
Elective: Akademiko
Paunang Kailangang Asignatura: Wala
Itinalagang Oras: Apat (4) na oras bawat linggo; kabuoang 80 oras sa loob ng isang seméstre
Comments